Friday, August 2, 2013

Tula ng Pakiramdam

Pahina

"Di alam ang pinagmulan
Takot na nararamdaman
Bumubulong na kawalan
Bumulag na kadiliman"

"Di mali, parang kulang
Uy walang tama, sobra lang?
Lakarin daang pinagmulan
Nang magtagpo gitnang daan"

"Mababaw nga, lalalim din
Mataas lang, baba rin
Di 'lam, di maintindihan
Malayang katotohanan"

Librong mahirap basahin
Lilinaw at liliwanag
Isang tanong, isang sagot
Ga'no lalayo para abutin...

Iisang pahina pa lang
Patuloy lang basahin
Saan man makararating
Nang kwentong kakaiba...

No comments:

Post a Comment