Pahina
"Di alam
ang pinagmulan
Takot na
nararamdaman
Bumubulong na
kawalan
Bumulag na
kadiliman"
"Di mali,
parang kulang
Uy walang tama,
sobra lang?
Lakarin daang
pinagmulan
Nang magtagpo
gitnang daan"
"Mababaw
nga, lalalim din
Mataas lang,
baba rin
Di 'lam, di
maintindihan
Malayang
katotohanan"
Librong mahirap
basahin
Lilinaw at
liliwanag
Isang tanong,
isang sagot
Ga'no lalayo
para abutin...
Iisang pahina pa
lang
Patuloy lang
basahin
Saan man
makararating
Nang kwentong
kakaiba...